Translate

Friday, 17 May 2013

Buhay May-Asawa Ba Kamo?

Maraming nagsabi sa akin na sa una lang maganda ang pagsasama ng mag-asawa. Sa huli, mag aaway na lagi and all the sweet stuff will turn sour or bitter. So siguro, meron akong gaanong hint noong mag-asawa ako. Pero syempre, I also know that life is a choice. We choose who we want to become. And in order for life to be happy, we should choose to be happy.

Sabi rin nila, nagbabago na daw ang asawa kapag naging asawa na. Mas makilala mo sya at mas makikita mo ang mga panget sa kanya. Siguro maaga pa para sabihin, pero mapalad ako kasi totoo ang lalaking napangasawa ko. He is truly a man at hindi sya peke sa kanyang mabuting kalooban at malumanay na personalidad. Wala namang nagbago, mas lalo ko nga syang minamahal habang tumatagal.

Anyway, hindi dahil dyan kaya ko sinulat ito. I wrote this kasi gusto kong i-share ang mga importanteng bagay na natutunan ko sa buhay pag-aasawa sa napakamaikling panahon. :) Ito yong mga bagay na maaaring ginagawa na natin nong single tayo o ayaw nating gawin. Akala natin, trivial lang pero nakapakaimportante pala.

Meron akong 6 bagay na naisip sa ngayon:

1. Kailangan ma-effort sa pagluluto. 
Iba iba sigurong case, pero sa case namin kailangan kong mag-isip ng 15 menu sa loob ng 15 days. Kung itotal mo yan ng isang buwan 30 menu (pwede namang ulitin, pero dapat matagal). Aba kung magiging creative talaga ako, pwede ako makaimbento ng 360 recipe sa loob ng isang taon. E hello, halos di nga ako nagluluto buong buhay ko. Pero syempre natuto na ako ngayon...at amazingly, it feels so right.

2. Kailangan me disiplina at galing sa pagmanage ng pera.
Noong single pa, kahit anong maisipang bilhin pwede. E ngayon hindi na--budgeted lahat. Dapat me talino sa paghawak at hindi bulagsak, kung hindi dalawa kaming apektado. Importante ang lifestyle ng isang tao nong single sya dahil ito ay makakaapekto sa lifestyle nya kapag sya ay nag-asawa na. Kaya dapat, habang single pa--disiplina at talino sa pera ay pinapraktis na.

3. Wag masyadong OC; dapat tama lang. 
Okay, sige na--OC ako. Kapag inayos ko, ayaw kong magulo ever. Syempre excited akong maglinis ng bahay, mag-organize. At halos ayaw ko ng gumalaw sa kinauupuan ko kapag naglinis ako para hindi na magulo. Hindi syempre ito totoo kapag nag asawa ka na, dalawa na kayong gumagalaw. At ang mga lalaki, me sarili silang kultura. Pagmumulan lang ng away kung iiinsist ko na wag nyang guluhin-- ang higaan for example. Dahil ang totoo, ang bahay ay nililinis dahil ito ay nagdudumi--merong nakatira e! :|

4. Galingan ang timpla ng kape. It has benefits ;)
Siguro hindi lahat ng lalaki, mahilig sa kape. Pero most of them are. Kaya naman, kailangan magaling ka talaga magtimpla. Hindi ako coffee-drinker so pumasok ako sa pag aasawa ng hindi marunong. Buti na lang me nakuha akong technique sa isang kaibigan, at ginagawa ko yon kaya feeling expert ako sa pagtitimpla. :) Gustong gusto naman sya ng asawa ko. Oo, me mga benepisyo ito:
   a.  Mura pag ikaw ang nagtimpla. Kesa bumili pa ng starbucks o kaya kahit 3 in 1. Mahal din kapag sinuma mo, kaya dapat marunong magtimpla.
   b. Pwedeng maging gesture of love ito. O db, effortless pero gustong gusto nila :)

5. Kailangan mabango maglaba. 
Okay, hindi rin ako fan ng paglalaba. E ang nanay ko, napakabango maglaba at napakaputi. Yong mabango, nakuha ko na, yong puti kelangan pa ng praktis. Syempre kung ano ang amoy at itsura ng damit ng asawa mo, magrereflect sayo yon kung anong klase kang maybahay.

6. Higit sa lahat and siguro to sum this up, a wife should know how to serve.
Siguro kaya maraming naghihiwalay, o kaya niloloko ng asawa kasi hindi sila marunong sa bahay. Isa kasi ito sa major role ng babae. Hindi helper kundi helpmeet. Katuwang. Ang asawang lalaki ang naghahanap buhay, ang asawang babae ang keeper ng bahay. Kung mataas ang pride ng isang babae, at papasok sya sa buhay may-asawa malaking adjustment. Of course, dapat tumulong din ang mga lalaki gaya ng madalas kelangan ding kumita ng babae pero ito ang ating major role. And believe me, it takes a humble heart to do all this. Hindi natin ito magagawa kung titingin tayo sa klase ng trabahong meron tayo sa bahay. Hindi tayo dapat mareklamo. Palagi lamang nating iisipin na we do all these things for love---first to God and second to our husband. Dapat tama ang puso!

Siguro ito lang muna. Sa pag-uugali kasi, patuloy pa rin akong hinohone ni Lord. Mabuti na lang, mapagpasensya ang Diyos at ang asawa ko sa aking mga katigasan ng ulo at pagka-impatient. Buong buhay akong magiging asawa kaya buong buhay din ang pagkatuto at pagbabago.


2 comments:

  1. i agree to all these :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I know, right? For sure marami ka pang masasabing iba :)

      Delete